Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

Personal na Pag-aalaga (Alagang Pangkomunidad sa mga May-Edad) – South East Sydney

Feros_CareFeros_Care SydneyPosts: 1Member
Personal na Pag-aalaga (Alagang Pangkomunidad sa mga May-Edad) – South East Sydney


Naghahanap ka ba ng trabaho taglay ang kaisipang pasulong sa pag-aalaga ng mga may-edad na kung saan ka makakalasap ng kakaibang tunay na pagbabago? Kung ang sagot mo ay OO, basahin lamang ang sumusunod!

• Sumali sa lumalago at makulay na samahan kung saan ang BAWA’T ISA AY MAHALAGA
• May pagkakataon ng Pagsasanay at Pag-unlad (Training and Development)
• Bayad bawa’t oras sa di-pirmihang trabahador $28.31 + Isasauli ang gastos-pasahe sa pagitan ng mga kliyente

Ukol sa Tungkulin:

Kasalukuyan kaming naghahanap ng superstar na susuporta sa Komunidad sa South East Sydney! Kung ikaw ang uri ng tao na gustong suportahan ang mga nakatatanda upang mamuhay ng pinakamahusay at naniniwala na ang katandaan ay isang bagay na dapat ipagdiwang, tawagan kami at nais naming makarinig sa iyo!

Bilang bahagi sa pagsisilbi mo sa komunidad, maghahanda ka ng isang hanay na serbisyo sa ating mga mahahalagahang kliyente kabilang dito ang personal na pangangalaga, transportasyon papunta at pamula sa mga tipanan, paglilinis ng bahay at paghahanda ng magaang pagkain.

Tungkol sa iyo:

• Dapat may hawak kang pinakamababang Certificate III sa Individual Support / Aged Care / Disability o katulad na kwalipikasyon
• Mayroon kang kasalukuyang lisensya sa pagmamaneho at sariling sasakyan na may kasalukuyang rehistro at ikatlong partido na seguro (third party insurance)
• Handa kang sumailalim sa Police Check at magpatunay na may karapatan kang magtrabaho sa Australia
• Handa kang magtrabaho ng paiba-ibang oras sa loob ng 5 araw bawa’t linggo sa pagitan ng a las siyete ng umaga at a las siyete ng gabi (7am - 7pm), at may kahandaang magtrabaho sa Sabado at Linggo ay lubos na kainais-nais.
• Masaya at handa kang magtrabaho humigit-kumulang sa 22 oras sa isang linggo bilang isang di-pirmihang trabahador
• Itatalaga ka at maginhawa mong tatanggaping maglakbay sa loob at palibot ng South East Sydney

Ang minimithi naming kandidato ay yaong may pakitang giliw, sigasig at may tapat na hangaring matulungan ang aming mga kliyente na mabuhay ng lubos.

Tungkol sa Feros Care:

Ang Feros Care ay samahang walang patubo na nagtamo ng napakaraming gantimpala (multi-award winning not-for-profit organisation) na nag-aalay ng mahabang hanay na serbisyong mag-alaga ng mga may-edad, may kapansanan at iba pang serbisyo na pang-komunidad. Ang pinakamahalaga sa amin ay matulungan ang mga tao na mabuhay ng buong tapang. Nakikipag-ugnayan. Mas maliksi. May buong kasiyahan.

Hindi lang namin gustong mabuhay ang aming mga kliyente. Nais namin silang managinip. Hahayaang mabasa ang mga paa at bayaang marumihan ang kanilang mga kamay. Tumawa, makipagkaibigan, maging masaya. Tinatawag namin itong tumatandang walang gulat, at para sa may edad 30 anyos at pataas gagawin namin itong makatotohanan sa mga matatandang Australyano at sa mga taong mayroong kapansanan.

Umaplay na!

Kung natuwa ka sa sinabi namin at naniniwalang angkop ito para sa iyo, nais naming makarinig sa iyo!

Hinihimok namin ang mga taong may kapansanan, mga taong dumanas ng kapansanan, mga Aboriginal at Torres Strait Islanders, at mga taong galing sa iba’t ibang kultura na mag-aplay dito sa nabanggit na trabaho.

Kung palaring matanggap, kinakailangang sumailalim ka ng pagsisiyasat (criminal records check) alinsunod sa batas at magbigay ng patunay nang iyong karapatang magtrabaho sa Australya.

Kung aaplay ng online, mangyari lamang lagitikin (click) ang angkop na kawil (link) sa ibaba. O, kung nais makipag-usap ng kompidensiyal, mangyaring kontakin si Kerry Bundock sa (07) 5669 0593, sipiin (quote) o sabihin ang Ref. No. 813878.
Sign In or Register to comment.

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(53994)

pes125kdDanielPhilpphoenix8Mightysuzan1okojyelediadulobaThereseasunemykotohifritzzzyzekoki8carolinee993wL2errialcberncampohydaxbluebubblejedtrunksobezij
Browse Members

Members Online (21) + Guest (137)

Hunter_08aJefflunarcatcmnJenchanmathilde9kaarukafrmbalingitonieandresjar0jmcountersrisukukeitorurumemeIsaiah2408samisumi20teejaybow2AuabbylavaPHauwARO_Bernardo

Top Active Contributors

Top Posters