Hello Guys, meron ba sa inyo nagiinvest sa Stock Market satin sa Pinas? I am an OF (Overseas Filipino) currently based in United Arab Emirates and investing on the stock market since 2015. Sa una nangangapa pa ako at medyo nalilito kasi bago sakin ang lahat. Meron iba't-ibang stock codes or ticker symbols ang mga companies tulad ng JFC for Jollibee, AC for Ayala Corporation, MEG for Megaworld etc. Yes! eto ung mga malalaking companies satin. So dun pa lang ma-ooverwhelm ka na. Pero sa pagdaan ng araw natutunan ko din paunti-unti. Nagresearch pa ako lalo para madagdagan ang kaalaman. Sali sa mga FB groups. Nagtatanong sa mga dating ka-opisina. At nag-fofollow sa mga page ng mga kilalang stock market gurus satin at finance advocates tulad nila Bo Sanchez, Efren Cruz, Fitz Villafuerte, Randell Tiongson, Marvin Germo etc. Search niyo lang din ung mga pages nila marami kau matutunan. Sa totoo lang, marami na ngaung references para matuto at hindi siya katulad ng iniisip natin na komplikado. Kung meron gusto matuto, I will post more kung pano mag-open ng online account and anu pa ang process na pwdeng gawin para magsimula. Looking forward na marami na maginvest sa stock market dahil eto na ung time para maginvest sa bansa natin. Salamat po!