Hello. Totoo po ba na kailangan ko magbayad ng equivalent ng 1 month salary ko sa recruitment agency na registered sa POEA as part ng pagkuha ko ng OEC. Nasa Australia po ako ngayon at may nag sponsor po sa akin na hospital. Gusto ko po sana umuwi sa atin para sa Pilipinas ko nalang hintayin ang 457 visa ko pero may nakapagsabi na pag kukuha pala ng OEC eh kailangan pa rin dumaan sa recruitment agency maski may employer na tapos ang kailangan daw bayaran sa agency ay depende kung magkano nakalagay sa contract ko.