Hi all,
Tatanong ko lang kung may idea kayo kung pwede bang dalhin ang electric guitar mula Pinas papuntang Australia. Ang issue ko dito, sa customs ng Australia. Baka mamaya maarte sila dahil technically, "wood" ang electric guitar.
Kung iche-check-in ba siya with electric guitar hard case, walang issue o maha-hassle kami?
Paki-note kung yung info ninyo ay sariling experience o narinig/nakwento lang ng iba. Ang hinahanap ko sana yung siguardo na nag-dala rin ng electric guitar nitong taon lang (2017).
Salamat.
Comments
Posts: 55Member
Joined: Apr 01, 2016
Sa mga may questions tungkol dito, nakapag-dala kami ng Electric Guitar na naka-hard case. Chineck-in siya.
Pagdating sa airport sa Australia, nakahiwalay siya na baggage. Sa Oversized/Fragile section mo kukunin.
Cebu Pacific ang sinakyan namin. Minarkahan lang nung airline na "fragile" at sinabing personally dadalhin daw ng tao 'yung item papunta siguro sa cargo area at hindi basta-basta ibabalibag. The rest, umasa na lang kami na totoo yung sinabi nila. So far, wala namang naging problema yung gitara.
Hope this helps.
Posts: 212Member
Joined: Jul 17, 2016