Hello,
Nag-register ako para magpa-schedule ng PDOS/CFO seminar for visa 189. Nagkamali ako sa umpisa pa lang (ang napili kong visa type ay AA 109, nawala sa isip kong may S1 189 na option). Ngayon, yung registration form na fini-fill out ko, hindi ko ma-bago yung visa type para i-tama yung mali ko.
Nag-try ako mag-register ulit gamit ang panibagong e-mail address, pero dun sa lumang registration form ako binabalik nung system (malamang kasi naka-tali sa birthday at pangalan ko 'yung registration, at hindi sa e-mail talaga). Meron ba naka-experience nung ganito? Kung oo, paano niyo kinorrect? Tinry ko tawagan ang PDOS/CFO office para mag-inquire, pero walang sumasagot.
Salamat.