Hello po sir. I have a feeling na ipapaulit pa rin ang U/A ni misis dahil sa nakitang blood +1. Kaya yung mga babae na may period or magkakaroon na ng period ay hindi kinukunan ng urine at pinapabalik na lang. Kasi nakikita po talaga sa microscope. Marami po rason ng rbc sa urine. Pwede kasi dahil may gamot siyang ininom para naman dun sa 4-6/hpf pus cells na nakita sa unang U/A. Yun po ang pinaka-logical na rason sa ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, antibiotics ang binigay na medication sa kanya. Completed na po ba 5-7 days?
Ang doctor po sa clinic will probably advice na ulitin pa rin bago submit to DIAC. Kung 0-2 rbc, baka makalusot po tayo. Pero 3-5, kahit na makalusot satin, baka mapansin din ng DIAC. Hindi naman significant po ang ganyang finding, nothing major at water therapy lang in my humble opinion. Don't worry po Sir, everything should clear up pag treated na siya. 🙂