Offtopic lang mga lodi. Maglalabas lang sana ng frustration and sana makatulong in any way sa kabayan nateng lilipat dito.
Tayo talagang mga Pinoy ang hilig naten mag butt in sa business ng iba. Nakakahiya na tayo mismo ang hahatak sa kapwa naten Pinoy para umangat. Kaya siguro hindi nadin umuusad ang Pinas. Dahil sa mentality nateng ito.
Situation 1: Si Juan ay isang pamilyadong tao. May 2 na anak na sila. Nakapunta sila ng pamilya nya dito gamit 457, pero he asked for relocation allowance which was given to him. Si Jose naman single pero on a 457 din with the same profession. Having said that, both of them were starting to trust each other when Juan maybe accidentally mentioned that he's asked for a relocation package and got it. Since bago lang din sila pareho, Jose felt like he was cheated by the company so he later on demanded for it. When the company mentioned that it was not in his contract, he then mentioned Juan as an example. To cut the long story short, 3 months down on their very first job in AU, Juan was terminated due to breach of confidentiality. Buti nalang, Juan was able to find a job to sponsor him again.
Kawawa naman yung kapwa naten na pamilyado. Eto yung mga instance na hindi mo sigurado kung magtitiwala kapa ba sa kapwa mong pinoy. Buti pa ibang lahi, they will encourage you to rise, while tayo nanghahatak pababa. SMH! Nakakainis lang ng may ganitong nangyayari.
Situation 2 as told by a friend. Bagong dating din si "Mia", she joined a Filipino community here in AU para sana maalleviate yung lungkot or homesickness. During one of the gatherings, she was approached by a Pinay din who was really welcoming at first when she suddenly asked Mia what her salary was. Sagot lang ni Mia was "tama lang po". Ang sagot ba naman netong si Pinay, "ah ganon ba, ako kasi 10k per fortnight". Mia suddenly felt all alone again that she never went back to that community.
Hayy. Nakakainis na nakakahiya na nakakatakot kung bakit ganito.
Hindi po eto to point fingers to anyone, but just to make everyone aware na may ganito po tayong ma memeet. Na possibleng humatak saten and lalo tayong i down instead of iencourage. Buti dito sa Pinoyau, lahat, kahit di magkakilala, nagtutulungan, nagbibigay ng hope sa isa't isa.
Sana kahit in a little way, mabago naten tong stereotype saten. Goodluck sa mga mag BBM. Godbless saten lahat and pasensya na po sa vent. Peace! ๐