hi good day. bago lang po ako dito. pagpasensyahan nyo na po kung madaming tanong. we're planning to migrate to AU. and im on the planning/researching stage.
my mga questions/dillema lang po ako sana po matulungan nyo ko...
here goes. when i checked the reqts, under general skilled migration... dapat maka 65 points, tama ba? ang plan namin kasi mauuna si hubby for 1-2 years and then susunod kami ni daughter. si hubby kasi 2 yr course ng computer technology ang natapos. ang current work nya is encoder/courier sa transport and logistics (parang all around on site person) for about 3 yrs. ako naman, i finished BS ECE, and i work as an IT helpdesk analyst for roughly 5 yrs. feeling ko mas pasok ako na primary applicant.
sya sana ang mauuna kasi nothing to lose sya sa current work nya ngayon. if kailanganin nya ng funds pag nauna sya dun, makakapag padala ako sa kanya. if ako ang mauuna dun, at wala pa akong maging work right away, baka hndi kaya ng sweldo nya mag isa yung mga gastusin sa bahay plus mag sschool na yung daughter namin.
if ako ba ang mag aapply as primary.. kelangan pa din nya makapasa dun sa 65 points? also. if ako ang primary, pede ba sya ang mauna doon?
mejo hindi ko rin makita kung saan yung skills nya sa SOL at sa CSOL. yung sakin din IT helpdesk analyst.. hindi ko alam kung meron sa SOL or sa CSOL. under ba sya ng systems analyst?
tapos yung payment po ba ng application, right away pag nag apply ka? so pag nadeny ka, bye bye na sa application fee (150k)? or magbabayad lang po if nareach nyo na yung certain stage na sure na kayo na maaapprove?
any reasons po na madedeny ang visa? if hindi kami pasok sa 189 SI, pede kaya kami sa 489 Skilled regional? Eligible relative ba ang tito? He's from Blacktown. (cousin ng mom ko na ninong din namin sa kasal). Pero d ko makita yung blacktown sa designated area. Relative lang ba talaga pede magsponsor? di pede friend? Mas mababa po ba ang reqts for 489 Skilled regional visa?
mag aapply ka po ba muna bago mag exam sa IELTS? or IELTS muna?
pasensya na po madami tanong. sana po may makasagot. madaming salamat po. God Bless!