<blockquote rel="katlin924">@aolee, yun nga din ang pansin ko.. kaya sbe ko kay @tootzie baka may iba syang ginawa kung bket napabilis ang pag-grant sa kanya! Imagine, months lang yung sa kanya?!</blockquote>
nagulat nga rin ako kung bakit ang bilis ng processing ng visa ko. Pero may mas mabilis pa sakin. Lurker kasi ako britishexpats at pomsinoz. Meron dun 5 days lang visa grant na. State sponsored sya 176. One day lng ng pag-lodge nya, kinabukasan may CO na. Then nagpa-medical kaagad sya using e-health. 3 days lang visa grant na sya after medical. Nepalese yata sya. Noong February meron ding british na ang occupation ay Systems Analyst, 2 months lang visa grant na sya (visa 175). At karamihan ng mga Systems Analyst and Business Analyst sobrang bilis ng processing. Pero sa tingin ko maraming factors ang kino-consider ng DIAC for speedy processing.
Eto ang napansin ko. Firstly, single kasi ako, no dependent meaning paper ko lang ipa-process. Secondly, ang nilagay kong preferred State: Perth or Adelaide. May nagsabi kasi saking priority nila ang Regional Area (low population) at ang isa pa very in-demand ang occupation ko sa mga nabanggit kong city. Thirdly, malinis ang papers ko, lahat isinubmit ko na yung tipong decision ready na. Fourthly, nung magka-CO ako, nagpamedical na kaagad ako hehehe. May ready na akong NBI kas kumuha na rin ako ng nun after ko mag-lodge ng visa. So nung nirequest ng CO ang lahat, inupload ko na lang. Lastly, na-assign ako sa masipag at mabait na CO from team 6.