@team_oh Kung pasok po sa SOL/CSOL ang job nyo, then I suggest po mag skilled migrant visa kayo (189 or 190) kasi may kasama na itong PR.
- Check nyo po yung nominated occupation nyo sa list ng SOL/CSOL. Pag andun po, pwede na kayo magpa-assess sa designated assessing body para sa profession nyo.
Pag wala po yung occupation nyo sa list, di po pwedeng mag-apply ng skilled migrant visa. Kailangan po, nasa list talaga.
<b>SOL</b>- pag andito po, pwede kayo sa 189. Independent.
<b>CSOL</b>-kung andito po yung nominated occupation nyo, need nyo po ng state na magsponsor sa inyo. Kailangan andun sa list nila yung occupation nyo.
Habang inaantay nyo po ang result ng assessment (2-3mos po ata, depende sa assessing body) pwede na po kayo magreview ng IELTS at mag-take ng exam. Kailangan din po kasi ang IELTS result.
Pag positive po ang assessment nyo at pasado na sa IELTS, pede na po kayo mag-lodge ng EOI sa Skillselect. Pero determine po muna nyo yung points if abot na kayo sa pass mark w/c is currently at 60pts. Depende po sa age, IELTS result, job experience, educational attainment, partner skills, state sponsorship etc... Pag 60pts na po kayo, pede na maglodge ng EOI.
Kung state sponsorship kayo (meaning, 190 yung napili nyong visa) , need nyo rin po mag-apply ng sponsorship dun sa state na yun. may specific requirements po ang bawat state.
Pag ok po ang evaluation at napili na ang EOI nyo, papadalhan kayo ng Invitation to Apply (ITA). Eto pa lang po ang time na pede na kayo mag-apply ng Visa.
OK lang po walang agent, basta masipag po kayo magbasa dito sa forum at masipag kayo magresearch. Very generous naman po sa info ang mga kasama natin dito. Actually, lahat halos nyan eh dito ko lang din nalaman. Hehehehe..
Good luck po sa ting lahat! π Paki-correct na lang po kung may maling info akong naibigay. Hehe.. Bago pa lang din po kasi ako dito. π)