@archdreamchaser
Pwede ka magrefer sa page 1 nitong discussion na ito. May slight overview dun ng process, kaya lang medyo hindi na updated ang ibang details like type ng visa and points needed. Pero somehow, medyo naexplain naman dun yung general process. I think sa first page din nito, makikita mo dun yung table para macheck mo yung points mo. Most probably may updated process na din kaya lang masyado na madami pages para mahanap ko.
Para sa iba mong queries:
Not sure papano ang family sponsored. May relatives na din kami dun pero hindi namin sila ininvolve sa application.
Aside from age, check mo din yung iba pang qualifications na kailangan para makita mo kung makakailang points ka.
Di naman required agad ang IELTS. Kumuha ang husband ko (main applicant for Architectural Draftsperson) ng IELTS after namin magsubmit ng documents for assessment para habang nagiintay ng result ng assessment, natapos na din ang IELTS.
Pwede kang magapply independently, walang agent. Dito lang sa forum, marami ka ng matututunan, basta matiyaga ka lang magresearch.
God Bless sa plans mo!