@jay2 sorry late reply. Hmmm... It seems to me na employer ata yung tutulong sayo since ang sabi nya kelangan nya ng info from immig kung ano ang kelangan nya gawin.
Based sa story mo, kelangan mo muna alamin kung anong occupation ba ang target mo, kung itutuloy mo yung IT works or lilipat ka ng Entrepreneurship. Kung alin man napili mo sa dalawa, need mo ipa assess sa assessing body. Kung sa IT need mo pa assess sa ACS pero need mo ng 6 years work exp sa field ng IT most likely dahil ibabawas nila yun bago ka maging suitable for migration since di related yung Bachelor of Entrep mo sa work experience na meron ka. Sa Entrep di lang ako sure kung anong assessing body nila.
Kung willing nman yung tutulong sayo (kung employer man sya) na tulungan ka makapunta doon, refer ka dito: https://immi.homeaffairs.gov.au/visas/getting-a-visa/visa-listing/temporary-skill-shortage-482 madaming visa types for temporary skill shortage
pero not to discourage you, yung ibang employers umaayaw in the middle of the process na mag sponsor, since madami silang requirement na kelangan i submit plus the cost they will need to pay and they also need to prove na wala silang mahire na nsa AU for the job they need to fill in kaya need ka nila na pumunta sa AU. Kung maging successful ka man sa work visa (which is temporary visa lang), ilang years, pde kana apply ng PR visas gamitin mong advantage yung work XP mo sa AU then lodge EOI for 189 or 190 visa kung maka 65 points kana. May ibang pathway din like student visa path pero need mo muna icheck at i weigh kung ano applicable sayo. Pray ka din muna for wisdom for sure bibigyan ka ni Lord ng wisdom kung anong pathway ang para sayo. God bless po. đŸ™‚