Hello everyone. Been to Australia twice for a business trip and because of this, lalo ako naengganyo na magmigrate. Maayos naman ang work namin mag-asawa dito. Kaya lang, kahit anong sipag namin, parang kulang pa din. Siguro dahil hindi kami makatulong sa mga pamilya namin... Nagsimula kami mangarap mag Australia before kami ikasal, 5 years ago. That time, 3 yrs pa lang experience ko as Chemist while yung husband ko naman ay 15 yrs as Chemical Engineer, 39 years old siya. Siya yung primary applicant dati. Pero ngayon, ako na ang primary applicant. Experience 8 years, Age 30. Targetin ko PTE na maging superior. Question ko po ay worth it pa kaya na ipaassess ko ang qualifications ni partner at ipagtake ko siya ng English Proficiency Test kung sa May 2020 ay mag45yrs old na siya. Sayang din kasi yung Php60,000.00 na magagastos, ipandadagdag ko na lang sa visa naming 3 which I read na halos 250k daw kasi may anak kami aged 3 yo. Thanks. Btw, nakapagsend na ako ng Application sa Vetassess last May 25. Hopefully maging positive ang assessment at makaclaim ako ng 5yrs experience. Thanks