@yohji said:
Hello po. I hope po you and your families are well and safe. Nagbabasa po ako about EOI and may mga questions po sana ako.
- Since ang validity ng EOI is 2 years, yung start date po ba nun is kung kelan ka po nagsubmit tama po ba? (Or kung kelan ka nagcreate ng acct? )
I think upon submission ito.
- Sa 190 visa path po, nakita ko po sa Immi na condition is not to enter marriage or defacto relationship. Sa pagkakatintindi ko po pwede naman magapply kahit married basta dineclare upon application of the EOI, tama po ba?

You just have to be honest with your current status and declare that in your EOI. If you are married, then indicate that.
- Mageexpire na ang pasport ko by 2022 at naka maiden name pa. Mas maganda po ba if magrenew na ko para 10 years at naka married name na then magpass nalang ako marriage cert? If di po ako nagrenew at magsubmit ng EOI muna, pwede po bang magrenew ng pasport habang tumatakbo ang EOI na or may instances po ba na need nila ng passport ulit?
Kung makakapag renew ka na ngayon, tingin ko mas ok yun. Para wala ka na problema. That's what we did with my wife. Bago kame nag lodge ng EOI, nag-renew na sya para wala na hassle.