@yohji said:
Hello po. Nagstart po ako magregister sa EOI para makita ko mga requirements and may ilang questions po sana ako.
- Wala po ba talaga iaattach na documents like passport, ACS results, PTE etc? kasi po parang nasa validation nako if tama mga ni-enter na details. Hehe
Wala pa attachment needed sa EOI stage. Just keep and complete them while waiting for the ITA.
- Dun po sa pagselect ng visa, tama po ba na pwede mamili ng more than 1 (i.e. 189 and 190) at mag-apply or follow certain instructions ng state if merong additional for 190?
Pwede mo select both 189 and 190 sa isang EOI lang. For 190, depende sa state na gusto mo, meron silang kanya kanya requirement kung need pa ng separate application with them, apart from the EOI. Check mo na lang. But my guess is, closed pa sila as of now, since Oct 2020 pa malalaman yung allocations ng bawat state for 190.
- Dun po sa employment, tama po ba na ang start ng ilalagay na date is kung kelan sinabi ni assessing body (ACS) na Skill Level Requirement Met Date? Sa letter po ni ACS (The following employment after 10 February 2012 is considered.....)
Scenario:
Employment 1: Oct 26 2009 - Mar 1 2012
Employment 2: Feb 27 2012 - June 2018
Bale sa EOI, tama po ba na ang details na ilalagay for Employment 1 is Feb 112012 to Mar 1, 2012? kasi after Feb 10 ang Skill Level Requirement Met Date?
Pahabol narin po: Wala naman po kaya issue sa EOI if Mar 1 2012 ang end date nung Employment 1 then Feb 27 ang Employment 2? Though, may ACS result naman na at ok naman sila.
Maraming salamat po! Godbless po! π
Tama yung Feb 11 2012 to Mar 1 2012 then mark it as relevant. Pero before that, enter mo pa rin yung Oct 26 2009 to Feb 10 2012, but mark it as not relevant. Bale may 2 entries ka for that same employer/company. Nahati lang sila based on the ACS assessment kung alin ang relevant period sa hindi.
Hindi rin naman magkaka-problema sa 2nd company mo kung nag start ka Feb 27, since qualified naman sya based sa ACS assessment.
Hope this helps.