guys, kapag nag-aask ng Taxation doc at bank statement ang CO kelangan ba talaga certified true copy? pahirapan kasi ang pagkuha ng original kasi via email lang sinesend so wala yung original doc (at for sure hindi nila ibibigay ang original kasi sa kanila yun). ano kaya ang magandang gawin para dun.
Nahihirapan kasi ako sa mga bank statements at payslips ko from Saudi Arabia. di ko nakukuha noon ang mga payslips ko kasi nadeploy ako malayo sa office para sa mga projects. so palaging nasa hotel accomodation hanggang sa matapos ang contract ko. then isesend na lang daw nila yung copy via email. at yung Bank STatements, di pa rin nagrereply yung bank ko sa Saudi.
Regarding sa Saudi Police Clearance, naipadala ko na yung mga requirements sa Philippine Embassy sa Saudi Arabia via courier, ang issue lang ay 2-3 months bago i-release. eh may 28 days na lang ako para masatisfy ang mga requirements: medical exam, bank statements, PCCs etc.
Yung sa docs ko from Singapore, nagawan ko ng paraan kasi karamihan ng mga docs ay nagegenerate online at yung iba ipinadala sa kasama ko na uuwi sa pinas next week.
at may mga nareject na ba na VISA sa kasaysayan ng PINOYAU dahil hindi nakapagsubmit ng mga bank statements at taxation docs na certified true copies? π