@Metaform Agree...Walang problema naman kasi sa atin...kailangan lang natin din unawain na nasa bagong bansa tayo. Maraming factor bago tayo iconsider ng employer. Kelangan lang po siguro natin e mind setting.Ano ba ang pinaka purpose natin sa pagpunta sa bansang ito? Maghanap ng trabaho as in OFW or to stay here for good? Kung OFW, e talaga ngang dapat na magkatrabaho kayo agad agad kasi what's the point na pupunta kayo dito. Kung stay here for good, give yourself the chance to know and adapt sa lugar . Hindi naman po lahat ay nagkakaroon agad ng work na related sa course nya, pero wala po akong nakita ditong filipino na hindi kumain o wlang tirahan dahil wala ng pera.Kung mangyari man yun, maybe masyado tayong mapili sa trabaho.Kasi ang daming work na pwedeng pagkakitaan....Hindi madaling mag-adjust pero I assure you, it's worth it.Lalo na sa bumubuo ng pamilya...Malaki ang sweldo o maliit, kaya mong maenjoy ang mga bagay na mayayaman lang nakakaranas sa Pilipinas.
Never na pumasok sa isip ko na titira ako dito sa ibang bansa.Makabayan po kasi ako.lol
In fact after my three months here in abroad, umuwi ako ng Pinas.Hindi ko matanggap na hindi ko napapractice ang pagiging engineer ko dito. But someone reminded me, na magkavisa ka lang e napakalaking blessing na.Hayun bumalik uli ako...But with different attitude. Mag aaral ako kung kinakailangan or papasok ako ng libre sa engineering company para lang mapatunayan sa kanila na may kakayahan ako....Naka adjust din naman po ako. :-)...
Kaya huwag po kayong panghihinaan ng loob,,kaya nyo yan.Minsan pa nga yata hindi maganda nakakarinig ng negative stories..nakakadiscourage minsan he he he...What I can advice is close your eyes..listen to the desire of your heart. then think what is the worst thing that might happen to you when you follow your heart...can you handle it or not? If yes, GO Go Go na and dont listen to anyone. Just pray! If you are not ready, wait na lang kayo until you become ready.
God Bless po sa ating lahat..