Hi Guys, Share ko lang story namin ni misis and baby dito sa melbourne.
Dumating kami dito 2nd of August. Right after pagdating, todo online job hunt na ako. From Seek, Career one, Horner, Etc. halos lahat ng online website sinubukan ko. I even tailor made my resume to fit the recruiters ideal candidate and add a lot of headhunters sa linkedin ko. Pero olats padin, in almost 1 month, isa lang tumawag sa akin and Phone interview pa ng agency.
Last week, naghahanap kami ng health center para sa vaccine ni baby. Since hnd namin makita kung nasaan ang clinic nagtanong si misis sa isang OZ lady na naglilinis ng car. Sinabi namin na new migrants kami, tinuro naman niya kami kung saan ang clinic and ask kung taga saan kami. Upon saying na "were from Philippines" bigla nyang sinabi na "are you christians?" and offcourse yes ang sagot namin. Tapos ininvite kami sa church last sunday and lunch na rin sa haws nila. Super bait talaga.
Nabanggit ko na naghahanap palang ako ng work and galing ako Singapore from Semicon Manufacturing. Nirecommend nya ako sa company na pinagttrabahuan nya which is manufacturing din pero high tech na pagawaan ng tinapay na nagdedeliver sa coles and wollies (parang gardenia), I just have an interview kanina and will start working na next week.
Sa mga kabayan na naghahanap ng work, napatunayan ko na mas madaling maghanap ng work dito using network and referrals than online job hunt. I recommend to try makipagkaibigan or makipag-usap sa mga OZ, mababait naman sila and most of the time sila pa ang unang magggreet. And last but not the least. PRAY always.
Godbless sa mga kabayan na naghahanap ng work. ๐