Tama yung sinasabi ng karamihan dito, at yun din ang sinusunod ko dati.
1) Make your CV tailor-made to the job ad itself. Yung mga keywords nung job ad, irephrase nyo at isingit nyo sa bullets ng mga job experiences nyo. Yung mga skills & required experiences na nakasulat, ilagay nyo din sa Skills nyo. Specially yung mga alam nyo namang soft skills lang (Team player, works well under pressure, detail-oriented, customer centric, etc etc)
2) Kung yung ibang company job experience nyo ay hindi naman na related sa linya ng trabahong inaapplyan nyo, wag nyo na ilagay kasi pampasikip lang yun. Hindi ako naniniwala sa make your CV maximum of 2 pages. Hindi applicable yun lalo na kung ilang taon na kayo nag ttrabaho at ilang kumpanya na din yung napag daanan nyo, pero at least make it as short as possible, all related details are there, andun yung ang hinahanap nilang mga detalye sa #1, tapos dagdag na lang yung mga personal duties and responsibilities nyo. Mine was 4 pages pero sobrang trinim ko na yun (i think).
3) CL (Cover Letter) - parang essay writing to, pero sobrang laking advantage nito. Mahilig sila mag basa ng istorya :smiley: Make it about your professional experiences BUT related to the job ad pa din. Tipong ikwento nyo na ginamit mo itong technology na to sa company A, sanay akong mag trabaho sa team environment kasi part of a team ako nung nasa company B ako, etc etc.
4) sa CV nyo, sa Education part, ilagay nyo sa ilalim nung degree nyo, parenthesis or asterisk or whatever: "assessed by ACS as comparable to an AQF Bachelor Degree with a major in XYZ" Kung ano yung resulta nung asessment nyo (in my case, ACS). This way, you can proudly show to the employer that you are legit, like, "look, I come from a different country but I can assure you that my credentials are comparable to what you also have here."
5) In my opinion, pinaka importante...References. Ilagay nyo yung tao na talagang makakapag vouch para sa inyo. Sobrang importante nito kasi talagang yung mga naging interviews ko, tinawagan talaga nila yung Referees ko. Minemessage ako nung dati kong kawork na "uy may tumawag sakin ah. Tinatanong daw kung kumusta ka daw katrabaho". Hindi kelangang super taas na katungkulan sa kumpanya nyo dati, basta yung alam nyong maganda ang masasabi tungkol sa inyo. Kuntsabahin nyo na lang hehehe. Dalawa yung Referees ko. Yung isa andito na sa Au, walang problema sinasagot nya lahat ng tumatawag sa kanya tungkol sa akin. Yung pangalawa, inamin nya sakin na may mga tumatawag daw na Australia number kaso hindi nya nasasagot tapos di nya tinatawagan ulit kasi overseas (sayang load nya siguro, or busy lang talaga. nasa SG kasi sya). Yung nakuha kong trabaho, yung pag contact nung HR ay via email, so nareplyan ng both Referees ko. Pakiramdam ko lang, kaya ko nakuha yung trabaho ko ngayon ay dahil sa last step na to. The background check.