@LakiMasel said:
Hello po,
Question po. Medyo malungkot lang kasi ako ngayon or depressed.
Kaya po ba ako nahihirapan maghanap ng work dahil wala pa ako sa Aus? Parang nato-trauma na tuloy po ako. Tingin ko po magaling naman ako or marunong. 11 years na din ako nagwo-work sa field ko.
Pero ayun parang nanghihina na loob ko tuloy na pumunta sa Aus. May family pa naman ako.
Hey everyone. Ako yung threadstarter ng discussion na ito. Grabe, 6 years na din pala itong thread na ito.
Sa awa naman ng Dyos ay naging okay kami. Bago ako lumapag dito sa Australia ay may work na ako. Nakabili na din ako ng bahay ko after two years and may 2 years old na ako Australian citizen (and may anak din ako na US citizen haha proud na proud eh noh hahaha).
At ngayon ay Australian Citizen na kaming lahat. Kakatapos lang ng ceremony ngayong gabi so tapos na ang journey namin bilang immigrant. I guess ppahinga muna ako and chillax and work and family ang iisipin ko muna and magta-travel na kami gamit ang Australian passport namin soon hehehe.
Medyo mahirap sa umpisa talaga. Sa laki ng katawan ko hahaha ay iniiyakan ko yung mga hirap pero natapos din sa wakas.
Tyaga tyaga lang kayo and have faith na magiging okay ang lahat. Normal lang ma-anxious kasi ganun talaga eh. Hindi ka tao kung di ka kakabahan.