<blockquote rel="TotoyOZresident"><blockquote rel="LakiMasel">Hello po everyone again.
Ito po kasi pala ang pinaka-root ng problem ko. Ang isa ko pa po na dilemma ay yung position ko ngayon. May stable work po ako dito sa States hanggang Feb 2014. Iniisip ko na po din lumipat bago magsimula ang bago ko na project para di ko naman sila bitinin. Kung kayo po yung nasa lugar ko, ano po yung pipiliin nyo. Magpunta na sa AU ng wala pang work or mag stay pa po dito sa States ng one more year para makapag prepare pa po sa Aus? Meron naman po kami kaunting naipon pero kinakabahan naman ako at baka mahirapan ako maghanap ng work at maubos ang ipon.
Hingi lang po ako ng inputs nyo.</blockquote>
In my Opinion para maganda naman ang exit mo sa work tutal one year lang naman saglit lang yun eh stay ka muna dyan sa state tapusin mo muna ang projects. Para maganda ang records mo dyan sa work mo at no worries, magaan ang loob mo at pakiramdam kasi wla kang na disappoint na employer at client. Pero yung one year na yung dapat nagsisimula ka na rin gumawa ng plano mga hakbang at strategies kung paanu makahanap ng work. kung paano i-improve ang CV. mag-hanap ng mga job site at mag sign up sa site. Planuhin na rin ang Pamilya kung saan maganda tumira na suburb. Syempre i organize mo pa kung anu mga dadalhin ninyo na gamit at kung alin ang ibebenta o ipamimigay. Syempre kung may kids ka apektado din sila sa paglipat ng country especially sa school yung mga friends nila. Research ka rin kung saan sila lilipat ng school at kung anung requirements. Syempre may may time ka pa rin makipag bonding sa mga friends mo dyan. May time ka rin maghanap ng magiging family friends sa Australia. So mahaba ang preparasyon mo going to australia at may sapat kapa na ipon while looking for work.
Goodluck and GOD bless</blockquote>
Salamat po sa advice. Bale yung project ko kasi patapos na by March. Magumpisa daw ako sa April, ayaw ko na po muna magumpisa sa project na yun para di ko sila mabitin kya plan ko na umalis na din bago magsimula sa project na yun.
Ok po ba ang job market ngayon talaga dyan sa AUS? Parang ok naman po eh noh? Dito kasi sa US laging unemployment, bad economy etc ang nasa news.