Merong specific work codes at attire ang karamihang company sa Aussie. Pag nataon pa na field-base ang office na mapasukan, malamang ay orange long sleeves at blue jeans lang ang kakailanganin sa work. Kaya kung di pa sure sa employer, mas magandang wag munang magpanic-buying ng mga gagamitin sa work. Make sure lang na makapagdala ng casual attire na generic gaya ng slacks at polo/long-sleeves at sets ng mga pampersonal at panlakad na kasuotan.
Ang ibang workplace naman ay may provision for clothing. Yong mga wala, ang empleyado ang bibili pero pagdating ng end of financial year, maki claim naman sa tax return ang mga nabiling gamit pang-trabaho kasama na clothing doon...basta may resibo lang. By the way, marami namang OpShops sa Australia kagaya ng Vinnies, Salvo, Red Cross, etc, na nagbebenta ng mga murang "slightly used items" kung gustong makatipid. Ang mga local Australians nga, minsan naka-short pants at nakapaa lang habang pumapasok sa mga establishment hehe