@Raeji baka mahirapan ka ijustify na partner mo nga siya. At depende rin sa case officer kung sa tingin niya magpartner nga ba kayo o hindi. Ganun pa man, kapag mag apply ka ng SV, ideclare mo pa din na partner mo siya. If you can start making arrangements, like joint bank account, joint bills (Telephone/mobile), joint social activities and local travels (sa Qatar or bisitahin ka niya sa Sydney), at continuous communication (email/chat) pwede niyo magamit later on kung mag apply siya ng SV dependent or kung mag PR visa na kayo. Kung hindi man siya makasabay sayo ngayon, baka in a year time ay pwede na siya sumunod kung may proof na kayo ng serious and exclusive relationship.
Ang pinakamadali para magkasama kayo ay kung pareho kayo na mag-aral sa AU. Ang drawback lang ay marami pang requirements para sa admission bukod pa sa mag Tuition Fee, at alam natin na mahal din yun.