Hi mga people, here's my situation:
Naka-2 years na kami ni bf bago ako pumunta ng Australia to study, that was 2011. In short, LDR kami for almost 3 years na.
Ngayong 2014, I'm waiting for my PR visa and I'm planning to go home immediately to marry him then maga-apply kami ng partner visa after.
Kung genuine relationship, marami naman kaming mapapakitang pictures, email, Skype logs, conversation showing na continuous yung relationship namin.
Kaso may nabasa ako about evidence like cohabitation and financial statement. E wala kami nun. Magiging problem kaya yun sa application namin? May pareho ba ng situation ko? Pa-help naman please.
Ang worry ko talaga is ma deny yung Partner visa. LDR na kami ng matagal, gusto na naming magsama. 🙁