@69ersss
<blockquote class="Quote" rel="69ersss">Gano kaya kaaccurate ang predictions sa iscah pagdating sa invites? Ang hirap para sa mga pro rata occupation mainvite kung di ka 75 pts.</blockquote>
80-90% accurate lalo na kung same trend at number of invites ang binigay ni DoHA. hindi mahirap ang 75 points sa V189 kung nasa tamang age at experience ka. honestly, yan ang average points ng isang overseas individual (outside AU) pwera nalang kung mas maagang nagwork at counted sa assessment, aabutin mo yung 80 points for 1-2 years bago mag change yung age mo.
nagiging mahirap lang abutin ang 75 points kung masyado kang nagmamadali sa application mo at gusto mo ng pumunta sa AU. madami dami din kase sa iba't ibang forums na nag-aaply na kapos pa sa experience, natural lang yun na mas bata ka, mas mababa experience mo.
pwede din naman na mababa ang points mo dahil hindi ka pinalad sa assessment at ang laki ng minus sa experience years mo.
ang masasabi ko lang, laging i-superior ang english test dahil yun lang ang may control tayo, the rest ay based sa assessment at age (wala tayong control dito).