โYour blood alcohol reading is 0.09"
@jen19: โAyon sa resulta, ang inyong dugo ay may<b class="Bold"> siyam na bahagdan</b> na serbesa"
@superluckyclover : "Ayon sa resulta, ang "lebel" ng iyong blood alcohol ay 0.09"
Una sa lahat, hindi siyam na bahagdan ang LOTE ng 0.09, ang siyam na bahagdan ay 9%.
kaya dito pa lamang ay bawas na ang puntos mo sa "accuracy" ng pagsalin, at ito ay malaking deduksyon sa iyong puntos dahil naiba ang pinakamahalgang detalye, at ito ay mag reresulta ng "Major distortions"
Samantala, ang salin naman ni @superluckyclover , sang ayon ako na mas natural ito pakingan at acceptable naman, ngunit maari din bawasan ng puntos (minor lang naman), ito ang Unindiomatic usage in LOTE - "Blood" at "Alcohol".
Para sa akin ito ang aking magiging kasagutan:
"Ayon sa resulta, ang antas ng alak sa inyong dugo ay 0.09"
"Ayon sa resulta, ang lebel ng alak sa inyong dugo ay 0.09"
Pero kung makaka apekto sa iyong fluency ang pag iisip ng salin sa LOTE, ay wag na lamang ipilit. Basta maisalin ang konteksto at maitwid ang bawat linya na hindi naapektuhan ang fluency ay isa ng malaking bagay.