@Mia Meron dalawang klase ng 489 visa. Yung 489 state & territory sponsored visa kailangan mo mag-apply for state sponsorship dun sa state na nagssponsor ng occupation mo. Pag naapprove ng state yung sponsorship application mo, pwede ka na maglodge ng visa application. Hindi mo kailangan ng kamag-anak sa state para mag-apply sa visa na ito.
Yung 489 family sponsored visa naman kailangan may close relative ka na nakatira sa designated area. Tuwing may 189 visa invitation round, meron ding several invitations para sa 489 family sponsored. Pero konting-konti lang ang invitations for 489 family sponsored.