Morning batchmates!!! Happy to know na most of us have been granted already. Sa mga naghihintay, mas marami na kami lalong magdadasal para sa inyo. Sana may humabol pa bukas. Anyway, kung after New Year man, masaya pa rin, kasi bagong taon, bagong buhay! Yay! π
After almost a week na na-busy ako, sagutin ko yung mga tanong sa akin. At by the way, nag PDOS pala ako nung Dec 18, Tuesday. Andun ka rin pala @ENGINEER_SALESMAN , sino kayo dun! haha
@k_ann_15 about sa TFN, one reason kaya pagdating mo pa lang pwede mag apply ng TFN ay dahil i-mail nila yung TFN (nasa letter sya) sa Australian address mo. So better talaga na pagdatin mo na lang at agad agad mo i-apply online, kasi need ng Australian address. So note mo rin yung processing days, na dapat andun ka sa address na nilagay mo sa application, baka kasi lumipat kayo ng bahay from a temporary house to another. Tapos yung bank ko CommBank. OK naman kasi marami rin ATM ng CommBank at OK din sa online transfers at nabigyan din ako ng Credit Card nung student pa ako. Haha OK naman ang transpo sa Melb, pero pag may chance, aral ka na rin mag drive para kung malayo ang pupuntahan mo at baka magwork ka na pang gabi. At yes, tama si @milktea13, kayang kaya mo automatic haha puro automatic naman halos sa Australia. Bigyan kita tips minsan pano makatipid sa commute sa Melb. π
@mycroft_holmes sorry ngayon lang naka check ulit. Yes tama naman sila, kapag single, wala dapat iprovide na documents for family unit kasi yung family unit ay spouse and children lang. π
@flaming_vines hello, nag PDOS ako nung Tuesday, pwede na hindi na kasama yung anak na 2 yrs old lang, kasi may umattend dun na tatay lang. Yun lang di ako sure kung pwede di kasama si primary. Siguro OK lang kasi PR din naman sina misis at anak, may visa rin sila, so entitled at required din sila magPDOS kahit wala primary. Explain na lang siguro na nasa Australia ka na. No choice naman kasi hahanapan talaga din sila ng sticker pag alis nila Pinas. Pero to be sure, email nyo na lang CFO. Heto email nila: rrpdos@cfo.gov.ph Tapos yung exemption, di ko sure gaano katagal dapat, pero ako kasi 2 years ako sa Australia, tapos sabi sa akin sa counter nung Tuesday, i-exempt na raw nya ako, pero since free naman ako at naisip ko baka may bago ako matutunan, umattend na rin ako haha Helpful naman seminar, may mga bago ako natutunan. π Masaya rin makita yung ibang pinoy na nasa same journey. π
@its.kc @milktea13 sabi sa PDOS nung Tuesday, yung PSA Birth Cert at Marriage Cert di na raw need ipa-red ribbon kasi authenticated na sila. The rest, yes, ina-advise nila ipa-red ribbon para lang mas credible at hindi na question-in sa Australia. Though di ko pa na-try ipa-red ribbon. Naka aral naman ako at work for 2 years. Pero to be sure, 100php lang naman daw sabi, ipa red ribbon mo na rin siguro.
@gibo43 ang galing at saya na may work na naghihintay sa 'yo sa Australia! Galing ni Lord, para sa 'yo talaga yung work π Gagawa Sya ng way para maayos lahat kahit akala natin imposible. π Salamat sa pagsagot ng mga tanong dito sa forum! Lapit na kayo umalis, mauna pa kayo sa akin. π God bless sa buong family!
Guys, tuloy ang dasal ko para sa mga natitira at sa mga nagreready na for BM. Merry Christmas September 2018 batch!!! π