@wittygem Kung eligible ka to apply for visa 189 or 190 sa tingin ko mas madali na yun na lang applyan mo kasi konti lang iniinvite for family sponsored 489 visa. Meron dalawang klase ng 489 visa.
Yung 489 state & territory sponsored visa kailangan mo mag-apply for state sponsorship dun sa state na nagssponsor ng occupation mo. Halimbawa ako, nag-open yung occupation ko sa SA kaya dun ako nag-apply for sponsorship. Pag naapprove ng state yung sponsorship application mo, pwede ka na maglodge ng visa application. Hindi mo kailangan ng kamag-anak sa state para mag-apply sa visa na ito.
Yung 489 family sponsored visa naman kailangan may close relative ka na nakatira sa designated area. Tuwing may 189 visa invitation round, meron ding several invitations para sa 489 family sponsored. Pero konting-konti lang ang invitations for 489 family sponsored. Nung huling invitation round last August 11 namigay sila ng 2,490 invitations for visa 189 tapos 10 invitations lang binigay for visa 489 family sponsored. Kaya unless sobrang taas ng points mo, mukhang mas maigi na mag-apply ka na lang ng visa 189 or 190.
Going back to your question, check mo muna if nakatira sa designated area yung relatives mo. If yes pwede ka magsubmit ng EOI for family sponsored 489 visa.