I think ang concern ng government eh ang dumadating cases ng bf/gf tourist visa tapos tuloy kasal na.. and then pag nagka-problema eh hindi sila ma-trace ng CFO.. or pag hingi ng tulong sa CFO eh wala sa list ng eligeble for whatever benefits...
so ang initiative nila eh magbigay ng CFO guidance and Counseling...
para alam mo ang rights mo.. at alam mo kung anu ang gagawin pag may issues..
so kung ayaw ng hassle.. wag mo na sabihin na mkkpagkita ka sa bf/gf..
but then, makikita nila sympre sa visa mo sino ang nag-sponsor ...
related to this, marami din kasi ang umaalis, tourist visa papuntang Dubai for example,
tapos maghahanap ng work eh hindi na babalik.. ang daming mga pinoy na nag-expired ang visa at kailangan ngaun ng tulong dun.. eh undocumented pala..