@TotoyOZresident Gusto ko po itong ma experience.. π
Dito sa SG mag 5 years na kami.
Yung asawa ko stress sa work nya kasi overload ang mga tasks na binibigay sa kanya.
Pag uwi nya, gusto matulog or mag jog kasi nga stress sya.
Pag weekend wala masyado ibang location na pwede maghike or mag short vacation.
Maliit lang kasi so parang ang bilis ma bored pag napuntahan mo na lahat.
Sine lang and shopping ang usually nagagawa pag lalabas.
Mahirap magstart ng family sa mahal ng gagastusin at mahirap ang transpo pag may kids na.
D na nag aapprove ng PR so wala security.
Malaki din naman ang naitulong ng SG sa amin pero in the long run, maganda lang dito pag Single ka. Party life maganda dito! Shopping! Gadgets! Less tax sa sweldo.
Gusto na namin ng Laid back na lifestyle yung laro2x lang with kids.
Luto2x sa kitchen. Long drive and vacations na di kailangan mag eroplano.
I'm sure bigyan kami ng chance ni Lord na maexperience ang Australia π
Sa pinas, pag uuwi gastos lang kasi nasanay ka na sa mga things na nagagawa or nakakain mo sa ibang bansa. Saka yung standard ng living mo iba na kasi na experience mo na yung maayos eh.
Sa Canada naman maganda din daw dun, andun kasi ang auntie ko. Eto sana first choice namin kasi may relative. Pero un nga lang, d talaga kami pwede mag apply dun kasi yung skill namin hindi shortage sa kanila. Either mag student visa or gumastos ng malaking halaga para sa arranged employment or mag caregiver hehe. Ayaw din naman namin ng ganun. π