Singapore VS Australia VS Canada VS Pinas??? hahaha! aba, syempre Pinas! di tayo kasing yaman ng tatlong yan pero tuwing umuuwi kami pinas, naku, ibang iba! ang ingay! ang saya! eh dito ano? sobrang tahimik! christmas?? managinip ka! alang christmas dito. christmas sa pinas da best! yun nga lang, dami loko! at walang satsat na milyo-milyones ngayun sa pinas. 3-4 years pa, mauubos yan.
canada bat di mo pansin? ok din canada. naka stay ako alberta, mga 2 years din sa calgary, red deer, edmonton, palipat lipat hehe, PERO susme, asar ang snow! at ang lamig -30 na ata yun o mas grabe pa, basta! ahahahahaa! mura bahay dun kaso rin ang baba naman ng sahod!!! bwiset! mga naka opisina dun parang 25cad/hr lang! eh langya, 'odd jobs' lang sa australia yan haha! taas ng bill sa kuryente! mga pinoy dun walang trabaho hahaha! totoo yan! ibabasura ng canada resume mo. yang sinasabi nilang "skilled list" na yan, maniwala ka dyan. pagdating mo dun, tim horton's bagsak mo hahaha! tatlong 'odd jobs'?? 12 hour shift?? ano yan lokohan? yang 12 hour shift sa canada para lang mabuhay eh di na tama yan haha! ok lang sana yan kung kagaya kitang slacker, kaso professional ka, ika nga eh, you deserve better hehehe...
@beth, swak ka sa adelaide! o kung san mo man gusto hehe basta sa australia. dami raw IT sa adelaide. di ko alam to ha, nabasa ko lng. sa oz kasi 7.5 hrs a day lang trabaho bastante ka na nun. QUALITY LIFE! gusto mo ba 60" na tv?? walang problema, magtrabaho ka lang 1 week at bili ka next nyan week! medyo matumal trabaho dito sa adelaide pero pag nasa sydney ka, sa opisina ka talaga. tamang desisyon: AUSTRALIA