<blockquote rel="michel_75">@lock_code2004 hi sir again! gusto ko lang malaman kung hindi papasa sa IELTS yong asawa ko pwede ba syang magbayad na lang? sabi kasi ng friend ko na pwedeng magbayad na lang ng tf nya ng english course pagdating don. tama po ba eto?</blockquote>
Makikisagot na ko, and lilinawin ko lang yung question mo.
1) kung ang asawa mo ang main applicant, dapat atleast 6 and score nya sa apat na components otherwise hindi sya puede magapply
2) kung ang asawa mo ay dependent applicant lang, puede naman syang hindi mag-IELTS basta meron kang document na nagpapatunay na competent sya s english (example is certificate from the university kung saan sya graduate na nagcecertify na ang mga subjects nya ay instructed in english). Pero kung magIELTS, need lang nya maka 4.5 average na ito. Now, kung wala tlga maipakitang proof of english or di tlga nakapasa sa IELTS, maaari pa ring isama sa application ang dependent pero magbabayad ka ng 2nd installment.
Sample computation para sa visa 189 or 190. All price in AUD
Main applicant - 3060
Dependent applicant (above 18) - 1530
Dependent applicant (below 18) - 765
2nd installment for dependent who doesnt have functional english:
4250