@wacks hindi naman talaga "required" ng DIBP yung "Relevant Skilled Employment" assessment sa pag-assess ng Work Experience mo... Kapag na-submit mo na yung Visa Application, i-aassess din kasi ng DIBP yung mga work exp evidence na ipapakita mo and sila ang ang may final decision kung ilang years talaga ang masasabing "relevant".
pero yung mga assessing authorities, like EA, pwede silang magbigay ng "Opinion" kung yung work experiences mo are relevant and ilang years equivalent..
Now regarding sa tanong mo, dun magkakaroon ng impact yan sa EOI mo. Pwede ka mag-claim and mag-lodged ng EOI, for example 8 yrs (15 points), pero dahil hindi ka pa nagpa-assess sa EA, pwedeng yung inakala mong 8 yrs ay 7 yrs lang pala kung EA ang nag-assess.. so bawas points na.
Then kapag DIBP na nag-review nung work exp mo, may 2 possible outcome.. 1st is ma-assess ng DIBP na 8yrs talaga yung work exp as you are claiming, or 2nd.. parehas sila ng EA na 7yrs or less lang ang nakikita nilang relevant employment...
So basically, confidence level lang yung assurance ng EA assessment for skilled employment, nasa DIBP pa din ang final decision.. so you can risk na derecho EOI na, or have a certain level of confidence na tama ang claim mo sa work exp, dahil may EA assessment ka..
I know some people in this forum na hindi nagpa-assess ng Skilled Employment sa EA like @BoyPintados... pero na-grant naman sya. Review mo nalang mabuti yung case mo and decide..