<blockquote rel="bawbea">praise God nakuha ko na din ang positive skills assessment ko after the long wait.
share ko lang experience ko para aware din ang mga nagaantay pa ng assessment..
dec 22 nagsubmit ako thru agent ng online cdr at skill employment assessment, by March 2nd week nagbago ung status nya to assessment in progress (di ko sure eksaktong nakalagay kasi si agent ang nagchecheck pero hindi na sya on queue) ganun nalang sya hanggang matapos ung ika 13th week wala pa din pagbabago, so nung ika 14th week, nagfollow up na kami para lang malaman na wala pa nagrereview ng papel ko. Sabi nung kausap ng agent namin, na naassign na sya mareview ng assessor pero dahil madami nakapila hindi pa daw napipick up ung application ko. To make the story short, nagrequest si agent namin na iexpedite kasi past the timeframe na tapos wala pa din result, so same day nireview at humingi pautay utay ng additional docs (as in 3x bumalik, hindi pa sinabi in one go) tapos wala na uli. Lumipas na naman ang araw, linggo di na naman nagparamdam. Hanggang kahapon tinawagan na ni agent ask ano pa ba kulang bakit wala pa din, humihingi na naman ng detailed employment cert sa past company ko, meron naman ako sinupply na employment cert na pirmado pero ang gusto ung detalyado ang work experience, plus signed ng manager (hindi ko mahagilap ang manager na yun mula pa last year ko sinusubukan kontakin at papirmahin) kung tutuusin di naman kailangan kasi as per migration booklet, kailangan mo lang naman magpresent ng detailed employment cert kung kasama sya sa career episode mo. Ung iba naman na work experience ko wala kaya sa inis sinabi na namin na wag nyo na isama sa skilled employment yon ok lang so after an hour sinend na ang positive assessment ko. Un lang di kinount ung experience ko dun pero ok lang dahil di naman naapektuhan ang points ko. 🙂
the end
sensya na sa haba, ang point ko lang talaga is, after 13th week of agonizing wait kng wala pa din kau balita, follow up na agad.
EOI lodged 10minutes after getting the positive assessment letter kahapon 🙂
Sana di din ganun katagal ang hintayin ko para mainvite 🙂</blockquote>
Congrats @Bawbea sa mahabang pag aantay. Nakakainip talaga after 13th weeks wala pa rin result pero praise GOD positive na assessment mo. Keep it up! Konti na lang. GOD bless.