Hello! Magtatanong lang po ako if meron akong katulad ng case dito.
Nagwork ako sa isang company nung Feb2022-Oct2022 (contract of service), so wala ako govt contributions mula sa company na to. Sa EA assessment, nagpasa ako ng job contract, payslip, and ITR (BIR 2307 pag sa case ko). Naka-state sa contract ko na wala akong govt contribution benefits.
Ngayon, humihingi sa akin yun assessor ng ITR na validated ng BIR, at mga proofs ng govt contributions tulad ng sss, pagibig, or philhealth na hindi ko naman mapprovide dahil nga sa nakwento ko above. If hindi ko raw mapprovide, hindi iccount yun exp ko mula sa company na to.
Meron po ba dito na same ng case ko? Ang balak ko ay ipavalidate na lang sa BIR yun bir2307 ko and ireiterate na lang sa reply ko na wala govt contributions yun employment ko sa company na yun? Possible ba magpavalidate mula sa BIR?