Magandang araw mga Kabayan!
Nagpaplano kami ng aking girlfriend para sa kanyang Visitor Visa at target naming i-lodge this 1st week of December.
Na-grant ang visa ko na TSS 482 (Previously PR 457) Medium Term at may contract sa company ng up to 4 years.
Halos kumpleto na ang mga documents at may ilang concerns lang ako bago iattach ang mga kulang. Makitulungan naman po ako na masagot ito:
1st, pwede po bang i-state sa Evidence of Planned Tourism Activities in Australia na one month stay lang siya magstay (para di hanapan ng malaking funds sa bank) pero kung maapproved ang visa she'll stay here up to 3 months?
2nd, di po ba after ang Australian Government sa actual return flight at mas magprefer sa consistency ng documents na iattached like invitation from me me at financial status/funds for visit?
3rd, medyo mahirapan ang girlfriend ko to get her ITR mula sa previous employer niya.
Malaki ba maging effect sa approval ng visa kung di maiattach ang documents na ito?
Maraming salamat po sa pagbasa at sa magiging advice niyo po sa amin.
God bless.