Yung experience ko dati yung nagaapply ako for work sa seek. Sobrang common na requirement yung local experience. Nag start ako mag hanap ng work mga middle ng January 2016 kasi mga January lang din yung dating namin dito. Medyo mahirap mag hanap ng work nung time na yun kasi naka vacation mode lahat ng tao until Feb.
Everyday I used to apply for up to 10 companies. Ubos oras talaga kasi you have to modify your cover letter and resume to fit the requirements of the company everytime. Hindi puwede yung generic na resume and cover letter kamuka sa Phil.
Ang payo ko lang is try to apply sa mga smaller companies kahit outside city centre. And don't veer away sa work/career na gusto mo kasi mahihirapan ka na bumalik dun in the end.
In all honesty, Nag apply din ako sa mga volunteer work at mga temp jobs pero kahit dun hindi ako nakukuha.
Pero pag dating ng March may nakita akong isang company sa seek. Pagkita ko sa kanya bumilis yung tibok ng puso ko tapos sobrang excited ako. Feeling ko ayun na yung work na para sakin. Perfect fit lahat ng requirements nila at sa skills ko. Plus malapit lang sa bahay namin. So nag apply ako and nag dasal with an expectant heart. Ayun nakuha ko yung work at mas mataas pa yung binigay na salary sakin keysa sa hinihingi ko.
So what i'm trying to say here is. madaming companies na habol ang is local experience. but at the same time meron din hindi. So apply lang ng apply. Darating din yung work na para sa inyo.