@adamson187 Kung ang long-term goal mo ay maging PR ang suggestion ko aralin mo na ngayon pa lang yung process and requirements para maging PR. Unang-una, alamin mo kung nasa list yung current occupation mo. Ito yung list
https://archive.homeaffairs.gov.au/trav/work/work/skills-assessment-and-assessing-authorities/skilled-occupations-lists/combined-stsol-mltssl
Kung nandyan yung current occupation mo, alamin mo yung list of tasks na expected na ginagawa ng occupation na iyan. Pwede mong iGoogle lang yung ANZSCO code, ito yung 6 digits sa tapat ng occupation sa list. Para lang sigurado ka na yung work experience mo swak sa expectations sa occupation na yan. Tapos dun sa list ng occupations makikita mo sa isang column sa tapat ng occupation mo kung sino yung assessing authority. Ito yung column na may nakasulat na, halimbawa, Vetassess, TRA, ACS, etc.
Punta ka sa website nung assessing authority and hanapin mo requirements nila para sa successful skills assessment. Iba-iba yung requirements per occupation and per assessing body. May occupations na okay lang diploma and may occupations na kailangan bachelor's degree. Meron occupation na okay walang work experience and meron din kailangan may specific years of experience.
Ngayon kung sa tingin mo kaya mong makakuha ng positive skills assessment using yung degree na natapos mo na dito and using your current work experience, pwede mo na i-estimate kung ilan magiging points mo for PR. Kasi kung pasok naman sa required 65 points and sa tingin mo maiinvite ka sa visa 189 or may states na magssponsor sa iyo for visa 190 or 489 pwede mo nang consider na dumerecho na sa path na yan.
Kung wala sa list yung occupation mo or kulang ka sa educational requirements or experience, I think best na maintindihan mo kung paano makakatulong yung aaralin mo sa Australia sa future chance mo na ma-invite to apply for a PR visa.