Hello sa lahat. Nag IE na kami (considered BM for wifey) last week, share ko lng mga experience namin 🙂 Adelaide bound po kami.
<B> Manila to Melbourne - Cebupac </B>
Sila ung pinaka mura sa date na napili namin, so dito kame hehe. Highly advisable na bumili ng prepaid meal kahit mahal. Kasi 8hrs yung byahe. Pwede din mag baon kayo ng burger or any small food item sa hand carry nyo basta kainin nyo before landing in Australia, baka maamoy pa kayo ng mga K9, added stress and hassle pa yun hehe.
Sa NAIA T3 ang flight. Bawat isa dun sa nakapila sa Check-in counter ay pinabuksan ang LAHAT ng mga bagahe para sa “swab test”. Advisable na maaga kayo dumating sa NAIA mga 3-4hrs before flight, kasi nag tagal sa pila dahil dito. Bale ang gagawin nila ay papabuksan sayo ung bagahe mo then may ipapahid silang strip of paper. Ewan ko kung para san yun, pang detect ba ng germs yun? 😃 then kapag ok na didikitan nila ng sticker ung bag mo. Sa kaso namin, may mga luggage cover pa kami so hinubad pa namin isa-isa ung mga cover, then sinuot ulit isa-isa once the test was done. So kung may luggage cover kayo, much better kung dala nyo lng muna at wag muna naka suot sa luggages para bawas effort. Hwag kalimutan humingi din ng sticker para sa luggage cover.
Sa immigration, medyo baguhan yata yung natapat samin na officer. Nung pinakita ni misis yung 1-way ticket nya & yung visa 489 grant, ang mga tinanong sa kanya ay “”may sponsor ka ba na company?” “Dumaan ka ba sa agency or sa poea?” “maghahanap ka ba ng work dun?” “Kailan ka babalik ng Pinas bakit wala ka return ticket?” Inexplain pa ni misis na sinabi na ng CFO na hindi kelangan ng PDOS ang visa 489 kasi hindi kami OFW kaya wala kaming company na nag aantay dun, at hindi din kami Permanent Resident. Hindi din kami considered na Tourist Visa kaya hindi namin kailangan ng return ticket. (Hehe medyo confusing iexplain ng 489 sa immig officer) We are considered as Temporary Resident. Sinabi din ni misis, oo wala kami return ticket kasi dun na kami mag sstay for 3years hanggang dyan sa validity ng visa na nakasulat. 😃 Nag pause pa si officer ng mga few minutes, then ayun tinatakan na nya ung passport ni misis and pinalampas na. Kaya nung turn ko na, nakita ni officer same scenario na naman, so wala pang 5-mins pinalampas na nya ko :p