Hello po. Kamusta na sa lahat.
Eto update ko. Di ko na ilagay yung medicare, tfn, etc, since na-tackle na sila somewhere dito sa thread and other threads.
Nag start na ako this week ng work. At last na-experience ko na din yung may mag aabot na lang basta ng beer at 3 or 4 pm ng Friday! 😂😅🍺
Pag dating niyo dito try niyo yung chicken parmi, lamington, meat pie, frozen coke, vegemite on toastie.
Tip ko sa mag bi-BM mag baon kayo ng maraming maraming adjectives, adverbs, at maraming maraming DALDAL in English. (Double-dead na ang mga introverts and galing SG tulad ko. Dito ako medyo nag-aadjust. Hahaha)
Mostly nasa road kami dahil sa iba-ibang project locations so ayun habang nagda-drive boss or colleagues ko, napagkwentuhan na namin mga buhay ng isa’t isa. Madadala ka talaga pakikipag kwentuhan. Medyo tangay ko pa ang SG accent (minus the Lah!) they find it cute daw. 😅
Gingagawa ko pag tinatamad na ako magsalita or ubos na baon ko English binabalik ko yung tanong or ako na nag tatanong ng ibang topic. Pag groping ako for words or terms l used the term “thingy”. Hahaha
Pag nag-email sila or tumawag sa phone, yung first two sentences or first paragraph kamustahin mo muna sila. Ganun din sila sa yo. It means a lot to them and yun talaga culture dito sa oz. Mababait sila and thoughtful. It sounds rude kung basta ka magtatanong or manghinhingi ng kailangan mo out of the blue.
Importante din sa reply yung compliments/reactions like Sounds good! Wow! Cool! Awesome! You’re a legend! Fantastic! Wonderful! That’s great! That’s alright! (Naubusan ako dito). No matter how simple the tasks or favour that they have done. 🤪
Yung mga Aussie girls na kausap ko complete with high tone pa and facial expressions pa pag kausap ko. Hehe.
Sa groceries I find it pareho lang sa SG yung price. Note: Lagi may sale sa K Mart especially mga gamit sa bahay. Food products like yung meats, fish, poultry, fruits, veggies sobrang mahal (kahit saan grocery) kasi locally produced. Yung kamatis 8-10 aud per kilo. Yung ginger 24 aud per kilo. 😅
Sa regional areas in QLD at 5 pm sarado na mga shops. By 7 pm totally madilim na ang kalsada (di uso ang street lighting sa regional areas). Sa Melbourne, may mga restaurants/shops na open until 10 or 12 pero sabi ng boss ko, iwasan mag public transpo kasi uso nga yung druggies (addict) and iba iba na ang mga tao.
Yung mga meals sa labas, double/triple ang price pero double/triple din ang serving! Lalo yung mga foods for truckies and tradies (truck drivers and trade workers). Promise! Puno yung plato.
Sa rent for single person, I find it cheaper sa case ko. Say ang rent sa Master’s bedroom w/ T&B sa SG is 1000-1200 sgd/month plus PUB (Utilities). Dito 1000 aud/month ang rent ko sa ensuite (yun yung tawag sa bedroom with attached bathroom) including bills na.
Mabait yung landlady ko na Aussie binili niya pa ako ng elec blanket and heater though may central heating system na yung house.
Di ko masyado ginagamit both kasi effective ang doona and jumper sa gabi.
Sa transpo, mahal ang uber, train and bus so medyo nililimitahan ko pa byahe at the moment. Min. fare sa bus is 3 aud (kahit 4 stops lang ang layo) if I remember correctly. Walking distance yung sa work so wala ako gastos sa pamasahe. May mga bus stops din na poste lang pananda so nakakalito sa una and yun nga di ganun ka frequent ang bus service. Kaya I opt na mag lakad since maganda din gumalaw galaw ngayon winter.
If maglalakad bili ng marami moisturiser/lip balm, magsuot ng gloves and hoodie since may mamga bigla ambon sa Melbourne.
Magpa flu shots na din po since mataas ang cases this season. Lalo na yung lamigin hehe. 20 aud siya sa pharmacy.
And pinaka importante sa lahat: Mamili na kayo ng favorite team niyo sa AFL (Footie).
(Assignment ko yan sa Monday). 🏆🏈
Big deal to especially dito sa Melbourne. Lahat sila excited na ako isama sa mga Footie matches!
Goodluck sa lahat! Kita kits. 😊✌️