@ms_ane kamusta na? Padalhan mo naman ako ng Bee Hoon at Moon Cake. Hehehe.
Medyo i-detail ko sagot para na rin sa iba.
They’re two same purpose ID’s but provided by different “authorities”.
Keypass - Post Office
Proof of Age - VCGLR
Yan inexplain sakin sa AU Post. Either one is okay naman daw, though you can apply for both.
Sakin Proof of Age inapply ko pa lang. Nakakatuwa yung ID may nakalagay na Victoria Australia sa pinakataas. Na-feel ko pagiging Aussie. Hehe
Eto Steps (medyo tedious):
- Fill out application form. You can get it from photo point agencies like Vic Roads, AU Post, etc.
Dun sa form need na pumirma dun yung Referee. Siya yung person na kakilala mo (for not less than 1 year, legal age and taga VIC) to certify na you’re 18 years old.
So kung meron ka na form papirmahan mo na sa kanya before you proceed to Step 2. Kung wala better kasama mo siya pagkuha ng form para di masayang yung pag punta mo sa Step 2.
I learned this the hard way. Hassle mag commute/maglakad dito hehe. Di pati lahat ng streets / buildings nadadaan ng public transport. Swerte ko nun sinamahan ako ni Tito ko.
- Bring the form to the “Authorised Person” together with your Category A and Category B docs for verification.
Sa case ko,
Cat A - Phil Passport
Cat B - Learner’s ID
Strict sila dito. ID means with photo, birthday and address. Di ina-accept yung temporary Medicare Card and yung NAB Letter (yung papel). Original dapat. Hinintay ko pa makuha yung learner’s ID bago ako naka-balik sa kanila. Haha. So parang naging redundant na meron na ako nun L’s.
Yung authorised person is either police, pharmacist, etc.
- Bring the form to Photopoint Agency (VicRoads, AU Post, etc) pay and get your photo taken. Yung ID i-mail nila sa permanent address mo.
Another important thing, yung mga ID (medicare, L’s, proof of age, etc.) naka engrave din yung permanent address mismo sa ID. So as much as possible kung yung i-lalagay na address sa form ay permanent na. Kung temp. accommodation, gamitin muna address ng kakilala or kamag anak. Pwede naman papalitan eventually.
Hope this helps. Goodluck sa BM and pag alsa balutan sa SG.
https://service.vic.gov.au/find-services/personal/apply-for-a-proof-of-age-card