@Noodles12 oo, ang mga tao dito 'Honda'... on the dot pag uwian na.xP haha. Pag 5 ang uwian, uwi na talaga. Kasi hindi uso dito sa Australia ang overtime. Besides, most stores closes by 7. Late na yung 7.0_o Kaya hindi ka na halos makakagala kung 6PM ka na lalabas.
Pero kung kelangan mag overtime due to Production issues etc, hindi naman masama magstay longer. Companies would really appreciate it. Pero don't do it always nga lang. Ala kasing point.
And one more thing, wag madismaya sa office spaces. Kasi yung malalaking companies lang talaga yung may offices ng tulad sa Makati at Taguig. Most businesses dito maliliit ang offices, minsan wood pa yung structure ng building. Local businesses kasi usually is small businesses. Bihira yung malaki at international ones. Kaya don't compare yung offices dito at sa Pinas.๐ Personally, first job ko is a small local company na sakop yung 2 floors ng building. Pero may 3rd floor yung building at yung nsa taas ay Pole Dancing class ang ginagawa so may oras talaga in a day na maingay dahil sa music, maraming kalabog kasi nga Pole Dancing cya at puro alikabok na nahuhulog galing sa ceiling dahil nga sa kalabog.xP hahaha. But it was no issue for me, for us, working in that company kasi business as usual. Trabaho trabaho lang.
Then nung nainterview ako for my second job, naisip ko talaga na 'dito ko gusto magwork' kasi yung workspace is katulad talaga ng sa Pinas. Sinuwerte naman na nakapasok ako dito sa work ko ngayon.๐