hey guys, ngayon lang ako ulit nakavisit dito sa forums, pero I read the recent posts and felt like sharing our BM experience.
dumating kami ng wife ko sa Sydney nung July to treat ourselves and met with some of my relatives for the first time.
lumipad kami to Melbourne 3 days later at dumirecho kami sa nabook namin na Airbnb. swerte kami kasi Filipino ung host and they gave us a warm welcome. nakatulong rin sa pagadjust kahit papaano kasi wala kami kilala sa Melbourne at all.
nagstart na ko agad to scout for jobs and narealize ko na sobrang tumal. i have a niche skill as an SAP Developer at sobrang steep ng requirements nila dito. I met with a recruiter at the end of August pero palagay ko pinagpraktisan lang ako nun kasi bigla nalang nangghost.
lumipat naman kami sa CBD and nagtry ako magapply sa ibang roles buong September pero wala rin napala.
sobrang naddown na ko kasi mukhang useless pala ung 7 years of experience ko. every month ako nagrerevise ng resume and cover letter pero siempre hanggang dun lang naman magagawa nun, in the end, kailangan parin ng right skillset - un ung wala ako.
andali itype nung experience pero hours upon hours upon hours ang naubos ko kakaresearch. feeling ko nagkaron na ko ng anxiety and slight depression. kaya tumigil muna ako recently sa paghahanap, nakatulong naman kasi napahinga ung isip ko. nakatulong rin ung pagresearch kahit nakakadrain kasi nagkaron na ko ng sense of direction kung pano ako maguupskill, kaso kailangan parin talaga muna makahanap ng temporary work para makasurvive.
sobrang salungat naman ung story ng wife ko, mejo smooth sailing yung sa side nya kasi nagcampus tour siya sa dalawang schools and nakapagenroll siya sa gusto nya na school. regularly siya pumapasok ngayon at kung magaapply siya ng work, feeling ko mabilis siya makakakuha since uso hospitality work dito.
marami pa ko stories in between pero baka masyado humaba. mas interesting pa naman mga yon pero next time naman ulit.