Thanks guys! Sorry di ako masyado makadalaw dito kasi busy na sa work (NAKS) hehe. House hunting na ngayon ang ginagawa ko at para magsama sama na kami ng mag ina ko.
Number 1 tip talaga na maibibigay ko is NEVER GIVE UP. Senior/Managerial Level na ako bilang Software Engineer sa Pinas pero dito kahit Entry Level pinasahan ko. Muntikan na ako umuwi after last rejection ko, actually nag book na ako. Pero yung week after nung last rejection ko, nagka JO ako. What it means is that meron talagang work na naka 'reserve' para sayo, kelangan mo lang mapuntahan.
Funny story, medyo OA mag interview ang mga anaps kaya medyo natrauma na ako, yung company na nag hire sakin, di ko dapat pupuntahan kasi anaps yung mag iinterview. Pero pinuntahan ko pa rin kahit alam kong gigisain ako sa interview. Thankfully, naipasa ko at next day may JO na ako.
Goodluck sa mga naghahanap ng work or yung mga pa BM pa lang. Isipin nyo yung hirap natin sa pag aapply pa lang, for sure kayang kaya natin yung mga susunod na challenges. π