@ali0522 said:
sino po dito kumuha ng PAG-IBIG contribution because of leaving permanently sa country? ano po requirements? and how long po bago makuha yung pera from pagibig?
Sorry for the long post:
Hi! I worked for 7 companies in the PH before migrating and if you had more than one employer, I suggest simulan mo na magpa consolidate ng records kasi sobrang hassle ng pagibig.
Make sure na pare-pareho yung pangalan mo BAWAT companies. Wala sila pakeelam kung same ng ID, same ng BIRTHDAY or same ng address. Pag may iba sa pangalan mo, you NEED to consolidate the records, otherwise, bye money. I know it's stupid pero yun ang patakaran nila. This will take at least 1 month. Yes, one month.
Make sure to bring everything. Ako kahit COE ko dala ko kasi I think they have an unspoken rule to would-be migrants na dapat pahirapan nila lol.
I had 1 company na middle initial lang nakalagay, yung iba whole middle name ang nakalagay. Hindi daw ito pareho ng record, given na same ang lahat except yung middle initial.
So after consolidation, they would send you a text message. Pero after a week siguro, araw-arawin mo na tawag mo sa kanila kasi sobrang late ng text message nila.
After maconsolidate, pupunta ka ulit sa kanila para mag apply ng withdrawal. Make sure na dala mo lahat. In my experience, the most senior lady in the office said na "May kelangan pa na requirement, di ko lang sure kung ano lol". Dun talaga ako first time muntikan makabastos ng matanda. Muntik na ako mag viral. Pinakita ko VISA ko (dapat daw may tatak sa passport pero electronic na, obviously walang training), Passport ko, lahat lahat. Anyway, after nya tumawag sa colleague nya, yung hinahanap nya pala eh yung CFO sticker. So after ko ipakita, Good na. Hintayan na lang.
Also, make sure na sobrang aga mo kasi it will take your whole day. Also, i-xerox mo na lahat ng isi-xerox mo kasi sira xerox nila most probably. Tsaka, mag baon ka ng pasensya. I hate pag-ibig lol. I hate lahat ng kelangan pilahan sa Pinas. Pinakamaayos na govt body ay yung CFO, convenient at walang hassle.
After lahat ng pagod mo sa pag asikaso, don't worry, sobrang convenient dito. Kahapon may namiss akong delivery sa bahay, kinabukasan nasa post office na sya on my way to work. In the end, all worth it yan, kapit lang. 🙂
Anyway, sulit naman yung pera. 14 years akong nag work kaya may onting naibigay, pang grocery din ng ilang weeks 🙂. Sa SSS wala na yan.