<blockquote rel="rareking">well... kung naging mayaman lang tayong mga pinoy sa bansa natin palagay ko tayo pinakaracist. opinyon ko lang.
napakalupit natin magdiscriminate ng mga bisaya, salitang inday is a well respected word in the visayas but not in Manila and Luzon.
sobrang sama tingin natin sa mga katulong, etc. More fun in the phil parating joke ng bayan ang mga katulong, tuloy ikinahiya na ng kultura at sambayanan. Yung culture natin parang bading culture na.. meron pa tayo mga terms like "longkatuts" etc, degrading dun sa mga mararangal na nagtratrabaho.
same din sa mga materyal na bagay, cellphone etc. sobra tayo manlait ng mga taong kunyari ang celllphone ay lumang model, chinese brand... etc. dinadaan sa pajoke, kakatawa pero in the end kakatawa na yung nagiging mga ugali natin.. pati bata namamana yung pagpapahalaga sa mga branded na mga items instead na maging masaya sa mamunting meron sila.
marami pa iba ibang discriminasyon sa hitsura, trabaho, propesyon, amoy, style ng buhok, pananamit, kulay ng balat, asawa, anak, magulang, sapatos, pabango, etc.
lagay na nating masayahin tayo, dinadaan natin sa joke yung mga panlalait... pero in the end kinakain na tayo ng maling kulturang ganito. para tayong bansa na nasa loob ng isang malaking comedy bar. dinagdagan pa ng media nating puro si KRis Aquino at Vice Ganda ang parating nakikita, at mga pulitikong nangungurakot (na hindi umaamin kahit huli na).
Maliban sa forum na ito, na naging propesyunal at mababait ang mga members.. try nyo pumasok sa mga common international forums ng gaming, social media etc... hulaan nyo kung sino usually ang pinaka basura magmura, manlait at mga bastos sa forum na parating nibaban ng mga admisnitrators. yeap - tayo, pinoy.
To conclude - tayo ang isa sa mga pinakaracist at patuloy na lumalala dahil sa media natin sa ating bansa. Pwede pang magbago, pero kailangan ng bansa natin mga kagaya natin na ipamulat na may mali sa mga nagyayari sa atin. Ito ang malaking dahilan kung bakit, umalis ako sa pinas at lilipat sa Oz.
BOW. 🙂
</blockquote>
Natumbok mo bro, parang Comedy Bar nga ang Pinas... laging "excuse" ng karamihan sa Pinoy na "masayahin" kasi tayo... pero minsan, at the expense na ng panlalait sa kapwa...
Nawala na yung breeding, values, “class”, at higit sa lahat kabutihang-asal ng karamihan sa Pinoys…
Hindi naman kailangangang maging mayaman ka para magkaroon ka ng breeding or class… values at kabutihang-asal sapat na.
Kahit may mga pinag-aralan ngayon, bumababa na lang sa level ng maling pag-uugali, para "in", kasi naging masyado na tayong tolerant sa panlalait sa isat-isa… “Fun” yun sa tingin ng karamihan…
Kawawa yung mga batang henerasyon na ganyan yung nakikita…
Kaya bago tayo maging overly sensitive sa pagiging rude at racist ng ibang lahi… siguro mas mabuting tingnan muna natin yung mga sarili natin.
Bow 😃