@Supersaiyan i agree, ok sa EA pero hindi nasatisfy si CO sa evidence of employment nya which is hiningan pala sya ng reference letter and other evidence of paid employment nya. Nagbigay nga sya pero wlang company letterhead. So baka nagduda si CO. Nakastate kasi sa rules na dapat nakacompany letterhead with contact numbers para may mag ramdom check sila may numerong tatawagan.
Sobrang higpit ng mga CO ngayon, pag may kulang na evidence at hindi sila satisfy sa sinumbit natin, may mga CO na rejection kagad ang desisyon. Hindi na sila mag contact kasi nakasaad naman talaga yan.
Isang lesson dito sa kakilala kong scientist din, visa lodged December 2018, walang CO contact, rejection of visa received May 2019.
One good thing is, hindi sya block listed for applying any other visa again. Nag email si CO sa kanya na sumbit another application. Akalain mo si CO, marunong pala mag email, hindi sya nag CO contact. Well, its in their hands talaga ang ating visa grant! Sayang ang 3,700 aud. 😔 Hindi ko na sana ishare ito pero alam kong makakatulong.
Sa mga nag aantay pa, gather as much documents as you can, upload as much too. Until the very last day of waiting for grant, kung meron ka pang idagdag, add mo na kung feeling mo makatulong.
Pray for the patience to wait, pray to increase the faith, pray for the CO whose handling our cases.