@GoodLuckAU maraming bike lanes pareho sa melbourne and sydney π mas marami lang ako nakikitang tumatakbo sa Sydney CBD pero prang mas convenient ang biking sa Melbourne. Yung swimming mas marami akong nakikita sa Sydney na mga indoor/outdoor pools.
@bananapeel oo nga, 700-800K na raw dapat budget ngayon pag bibili ng decent na bahay with a nice location dito sa Sydney, sabi ng officemate ko. Kahit sa Hills district na nasa west, ganyan na yung range ng properties. May mangilan-ngilan pa na around 550K pataas pero medyo mas malayo sya konti (Schofields, The Ponds area). Kellyville and the other suburbs na part ng The hills, around 700K na pataas. huhuh maganda ung area na yan kase low density and marami raw ok na schools around it. Very safe din, jan kase ako nakitira nung naginitial entry kami. hehehe
Actually ung mabilis na pagtaas ng property cost sa Sydney ay advantage daw sabi ng mga andito. Kase kung makakabili ka ng house, mas mabilis ung ROI or if gusto mo sya ipa-rent, pde na yun ang pambayad ng mortgage. unlike daw sa melbourne na ung property is say around 700K na rin, pero hindi mo sya maipapa-rent ng mas mahal. Ganon daw kase nangyari sa cousin nung kaibigan ko. Nakabili sya 500K na property pero til now around 300AUD++ per week lang ung rent. But then again, depende sa suburb and location ng property. hehehe