@bhibhi Marketing Specialist yung nominated occupation ko pero hindi Marketing yung course ko, hindi rin IT. Ito yung advice ko na points to consider to help you decide, first, malaki yung deduction ni Vetassess sa years of experience kapag hindi related ang course mo. You can check their website, nakalagay naman kung ilang years exactly ang ide-deduct nila. This is okay kung marami ka ng years of experience, pero kung konti lang e baka wala kang makuhang points for work experience. Next, this fiscal year dadalawa lang ang states na nagssponsor ng occupation na ito and parehong 489 lang. Yung SA minimum 80 points and mabilis naubos yung slots. Isang araw lang naubos na. Yung NT kailangan may job offer. Hindi imposible makakuha ng visa under this occupation kasi nakakuha naman ako, pero this is not the easiest path.